Friday, March 19, 2010

Doha at Night

Doha at Night

Last March 19, we went to Doha with my fellow Chiyoda friends.  Yung iba may pinuntahang ibang place, ako at si Tony, punta kameng Salam sa may malapit sa City Ceter.  Bumili ako ng remote switch para sa camera ko.  Tapos nag-picture na paglabas pa lang ng Salam, kahit nasa kalye, ayus!!

Tapos punta kameng City Center para kumain at si Tony bumili ng BlackBerry na cellphone. Putek!! Bigat!!! Then, nag-abang na kame ng taxi papuntang corniche, tapos binaba kame dun sa may Sheraton Hotel, tapos naglakad na lang kame.  Original plan, mag-isa lang akong pupunta dito, kasi wala kong makasama, dala ko bag ko, with tripod, 2 lens, bottled water, cookies, at iba pa.  Talagang mag-tritrip lang.. hehehe...  Buti sumama si Tony... thanks pare!

OK pala dun, nun lang ako napunta sa lugar na yun, da best!!  Ang dameng tao tapos ang ganda ng view especially for night photography.  Isa na ang picture sa baba, please check....

                                focal length: 20mm.   f16   20 sec.   ISO 400


Ang ganda ng gabe sa Doha, sobra... Na-appreciate ko dito sa picture na ito.... lupet!!!  Dito kame napadpad ni Tony, antagal naming nagpicture dito, pag gabe kasi, kailangan ng long exposure, kaya bawat kuha ko ay mga 15 to 30 seconds exposure.  Sobrang tagal, kaya yung mga pictures na kasama si Tony, dapat hindi gagalaw sa loob ng 30 segundo para maganda kalabasan ng pics.  Kaya yung mga taong naglalakad, sinisigawan o sinisinyasan ko na tumabe... hehehe..

Tapos one time, nagpicture kameng dalawa, mga 20 seconds exposure, pagpindut ko ng shutter, takbo na agad ako dun sa harap ng camera, ang tagal naming nakatayo, hindi gumagalaw, kaso ang problema, hindi namin alam kung tapos na, kasi walang may hawak ng camera, hehehe... kaya pagtingin namin sa pics, para kameng mga kaluluwang ligaw... hehehe.... lakas ng dating... eto nasa baba.... hindi ko malaman kung bakit nagkaganito...

                                focal length: 20mm.   f16   20 sec.   ISO 400

Ang magandang building dito ay yung kulay blue na nasa kaliwa, Tornado Tower, ganda ng dating ng diamond lines bagay na bagay sa blue lights. da best!!!...  Kaya pinicturan ko ito ng solo, eto sa baba... 

                   The Tornado Tower
                                focal length: 44mm.   f16   20 sec.   ISO 400

Gandang-ganda ako dito sa building na ito talaga...  malupet!!!!....  Mas maganda sana kung wala yung mga nakapark na kotse at yung babae na nasa kaliwa, sa may damuhan.... Pero di bale na lang...  da best pa rin.... cheers!!

Tapos nung pauwe na kame, naghihintay na sa parking lot ng Sheraton Hotel ang iba, ang d' gwapings at jao.. hehehe... Kaya napicturan ko rin itong Camp Big Falcon, kampo ng Voltes-V, kaso hindi ko na na-ayus ang frame kaya nai-crop ko na lang...

                 Sheraton Doha Resort & Convention Hotel
                               focal length: 25mm.   f16   20 sec.   ISO 400

Babalikan ko pa itong corniche na ito pag may pagkakataon.....  sulit ang gabe!... da best!




******Thank you for coming*******











1 comment:

  1. nice shot..pahiram naman ako ng post at photos mo.link ko sa blog mo.kudos

    ReplyDelete